Thursday, 27 February 2014

Unang Hirit Recipe- Special Pinakbet ala Alessandra De Rossi

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 27, 2014: Special Pinakbet ala Alessandra De Rossi with Alessandra De Rossi.

Ingredients:
  • karne ng baboy
  • talong
  • ampalaya
  • kalabasa
  • kamatis
  • sibuyas
  • luya
  • bawang
  • okra
  • sitaw
  • bagoong
  • tubig
  • mantika
  • asin
  • paminta
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Painitin ang mantika.
2. Igisa ang bawang, luya, sibuyas at kamatis.
3. Ilagay ang bagoong at lutuin ng dalawang minuto.
4. Dagdagan ng tubig at pakuluin sa loob ng 10-15 minuto hanggang sa lumambot ang karne.
5. Ilagay ang kalabasa at lutuin ng 5-7 minuto o di kaya ay hanggang sa lumambot ang kalabasa.
6. Idagdag ang iba pang mga gulay at ihalo sa iba pang mga sangkap. Lutuin ng limang minuto hanggang sa maluto ang mga gulay.
7. Ihain.

Wednesday, 26 February 2014

McDo Philippines LEGOLAND Promo

McDo Philippines LEGOLAND Promo. 4 days to go! Submit your entries for the LEGO promo & get a chance to win a trip to LEGOLAND! http://bit.ly/McDoLegoMovieHappyMealPromo.

This original 3D computer animated story follows Emmet, an ordinary, rules-following, perfectly average LEGO minifigure who is mistakenly identified as the most extraordinary person and the key to saving the world. He is drafted into a fellowship of strangers on an epic quest to stop an evil tyrant, a journey for which Emmet is hopelessly and hilariously underprepared.


Unang Hirit Recipe- Sinampalukang Sapsap

Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 26, 2014: Sinampalukang Sapsap with Ms. Virgie Pascual.

Ingredients:
  • sapsap
  • bunga ng sampalok
  • luya
  • sibuyas
  • kamatis
  • siling panigang
  • pampaasim
  • patis
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Sa kumukulong tubig ilagay ang sampalok, luya, sibuyas, kamatis, patis at pampaasim.
2. Pakuluin ito sa loob ng 5 minuto.
3. Ihulog ang sapsap at ang mga natirang kamatis at siling panigang.
4. Hayaan itong kumulo hanggang maluto.

Tuesday, 25 February 2014

Unang Hirit Recipe- Sinanglay na Tilapia

Here's Unang Hirit KitchenHirit of the day- February 25, 2014: Sinanglay na Tilapia with Chef Tenten Casasola.

Ingredients:
  • tilapia
  • gata
  • pechay
  • kamatis
  • sibuyas na pula
  • dahon ng sibuyas
  • asin
  • paminta
  • tanglad
  • luya
  • sili (optional)
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Lagyan ng luya, kamatis at sibuyas ang tiyan ng tilapia.
2. Asinan at lagyan din ng paminta.
3. Balutin ang isda gamit ang dahon ng pechay.
4. Hayaang maluto sa gata na may tanglad hanggang kumulo at maluto ang isda.

Unang Hirit Recipe- Tinolang Porkchop

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 24, 2014: Tinolang Porkchop sa Upo with Chef Ric Loterio.

Ingredients:
  • karneng baboy (porkchop) 
  • upo 
  • dahon ng sili
  • luya 
  • bawang 
  • sibuyas 
  • siling pang-sigang 
  • pamintang buo 
  • mantika 
  • achuete seeds
  • asin 
  • patis

Procedure:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang porkchops at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang masangkutsa sandali.
3. Ibabad ang achuete seeds sa 1/2 tasang tubig. Piga-pigain hanggang sa kumulay ito. Ilagay ang katas sa nilulutong tinola para pangkulay.

Monday, 24 February 2014

Idol sa Kusina Recipe- Beef Super Sabaw

Isang complete meal ang ginawa ni Chef Boy mula sa ating super sabaw. Narito ang mga kailangan para sa 

Beef stock:
  • 2 kilos meaty beef stock bones (with marrow; shank and knuckle bones, if possible)
  • 400g of stew meat (chuck or flank steak) and/or beef scraps, cut into 2-inch chunks
  • 2 white onions, peeled and quartered
  • 2 carrots, cut into 1-2-inch segments
  • 1 large celery rib, cut into 1 inch segments
  • 4 cloves of garlic, unpeeled
  • handful of parsley, stems and leaves
  • 2 bay leaves
  • 10 peppercorns
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

Pares (with a serving of soup):

500g beef brisket, uncut
¼ cup soy sauce
1 tsp ground black pepper
¼ cup sugar
2 tbsp ginger, minced
2 cloves garlic, crushed
1 pc red onion, minced
4 cups beef stock
2 pieces star anise
2 tbsp cooking oil
3 tbsp spring onions, finely chopped

Fried rice:

3 cups rice
2 cloves garlic, minced
1/3 cup carrots
1 egg, beaten
1/3 cup ham, small dices
salt and pepper to taste
2 tbsp oil

Click here for the procedure: http://goo.gl/zBJAVv

Idol sa Kusina Recipe- Lugaw

Gusto niyo ba ng nakakabusog na pang-merienda, try out this lugaw! Narito ang ingredients:
  • 200g beef pares meat
  • 200g ox tripe, boiled and cut into strips
  • 2 cups sticky rice (malagkit), uncooked
  • 2 cups beef stock
  • 1 thumb-sized ginger, cut into strips
  • 6 cloves garlic, chopped
  • 1 onion, chopped
  • 2 tablespoons fish sauce (patis)
  • 1 teaspoon ground pepper
  • 4 pieces eggs, hard-boiled
  • blocks of firm tofu, dredged in flour, fried and sliced
  • toasted garlic, chopped
  • safflower (kasubha)
  • spring onions for garnishing
  • calamansi
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina 

For the procedure, click here: http://goo.gl/Hz5M01

Idol sa Kusina Recipe- La Paz Batchoy

Ang super sabaw, ginamit ni Chef Boy sa famous Iloilo City soup na La Paz Batchoy. Narito ang ingredient para magawa niyo ito sa bahay.
  • 400g miki noodles, boiled for 1 minute and drained
  • 300 beef strips
  • 300g pig’s intestines, cleaned, boiled and sliced
  • 100g pig liver, sliced into strips
  • 1 1/2 teaspoons salt
  • 1/2 ground black pepper
  • 2 teaspoons sugar
  • 1 teaspoon shrimp paste (bagoong)
  • 1 teaspoon onion powder
  • 1 cup pork crackling, crushed
  • 3 tablespoons spring onion, chopped
  • ¼ cup toasted garlic
  • 4 cups beef stock
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

For the procedure, click here: http://goo.gl/SPHfUP

Saturday, 22 February 2014

Unang Hirit Recipe- Menudo with Love

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 21, 2014: Menudo with Love with Love Añover.

Ingredients:
  • pork kasim
  • atay ng baboy
  • sweet style tomato sauce
  • carrots
  • patatas
  • hotdog
  • toyo
  • tubig
  • kalamansi
  • kamatis
  • liver spread
  • sibuyas
  • bawang
  • dahon ng laurel
  • asin
  • paminta
  • pasas
  • mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Timplahan ang hiniwang baboy, toyo, bawang at sibuyas. Itabi ito sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras.
2. Sa kawali, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.
3. Idagdag ang tinimplahang baboy at lagyan ng liver spread.
4. Pakuluan ito sa loob ng 5 hanggang 7 minuto.
5. Idagdag ang tomato sauce, tubig at dahon ng laurel.
6. Hayaan itong kumulo hanggang sa maluto ang baboy.
7. Ilagay ang pasas, carrots, patatas, atay at hotdog.
8. Timplahan ng asin at paminta. Muling pakuluin sa loob ng limang minuto.

Thursday, 20 February 2014

Unang Hirit Recipe- Pininyahang Tilapia sa Gata

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Pininyahang Tilapia sa Gata with Chef Kelly Parreño

Ingredients:
  • tilapia
  • patatas
  • carrots
  • green bellpepper
  • siling labuyo
  • bawang
  • sibuyas
  • coconut milk
  • pinya
  • pineapple juice
  • asin
  • paminta
  • patis
  • mantika
Photo and recipe credit: unang Hirit

Procedure:
1. Prituhin ang isda hanggang sa magbrown saka itabi.
2. Sa mahinang apoy at parehong kaldero, ibuhos ang pineapple juice sunod ang coconut milk sa ginisang sibuyas at bawang. Dagdagan ng patatas, carrots at bell pepper.
3. Ilagay ang prinitong isda at timplahan ng asin at paminta.
4. Idagdag ang hiniwang sili. (optional)
5. Pakuluin ito ng sampung (10) minuto.

Wednesday, 19 February 2014

Unang Hirit Recipe- Sweet and Sour Chopsuey

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day: Sweet and Sour Chopsuey with Chef Toti Franco.

Ingredients:
    Sweet and sour chopsuey:
  • sayote
  • carrots
  • repolyo
  • red bell pepper
  • green bell pepper
  • sibuyas
  • bawang
  • manok
  • fishballs
  • kikiam
  • celery
  • mantika
  • siling labuyo
    Sweet and sour sauce:
  • bawang
  • suka
  • asukal
  • asin
  • paminta
  • cornstarch
  • tomato paste
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas.
2. Idagdag ang manok, kikiam at fishball.
3. Isama na rin ang carrots, sayote, celery pati na rin ang repolyo red at green peppers.

Paraan ng paggawa ng sauce:
1. Igisa ang bawang.
2. Ilagay ang tomato paste at lutuin.
3. Idagdag angf suka , tubig , asin at paminta para pampalasa.
4. Ihalo ang cornstarch para lumapot ang sabaw.

Tuesday, 18 February 2014

Idol sa Kusina Recipe- Lugaw

Gusto niyo ba ng nakakabusog na pang-merienda, try out this lugaw! Narito ang ingredients.
  • 200g beef pares meat
  • 200g ox tripe, boiled and cut into strips
  • 2 cups sticky rice (malagkit), uncooked
  • 2 cups beef stock
  • 1 thumb-sized ginger, cut into strips
  • 6 cloves garlic, chopped
  • 1 onion, chopped
  • 2 tablespoons fish sauce (patis)
  • 1 teaspoon ground pepper
  • 4 pieces eggs, hard-boiled
  • blocks of firm tofu, dredged in flour, fried and sliced
  • toasted garlic, chopped
  • safflower (kasubha)
  • spring onions for garnishing
  • calamansi
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

For the procedure, click here: http://goo.gl/Hz5M01

Idol sa Kusina Recipe- La Paz Batchoy

Ang super sabaw, ginamit ni Chef Boy sa famous Iloilo City soup na La Paz Batchoy. Narito ang ingredient para magawa niyo ito sa bahay:
  • 400g miki noodles, boiled for 1 minute and drained
  • 300 beef strips
  • 300g pig’s intestines, cleaned, boiled and sliced
  • 100g pig liver, sliced into strips
  • 1 1/2 teaspoons salt
  • 1/2 ground black pepper
  • 2 teaspoons sugar
  • 1 teaspoon shrimp paste (bagoong)
  • 1 teaspoon onion powder
  • 1 cup pork crackling, crushed
  • 3 tablespoons spring onion, chopped
  • ¼ cup toasted garlic
  • 4 cups beef stock
Photo and recipe credit: Unang Hirit

For the procedure, click here: http://goo.gl/SPHfUP

Unang Hirit Recipe- Ginataang Bangus na may Labong

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 18, 2014: Ginataang Bangus na may Labong with Chef Regine Lee.

Ingredients:
  • bangus
  • labong
  • sibuyas
  • bawang
  • luya
  • siling pangsigang
  • gata ng niyog
  • bagoong
  • suka
  • asin
  • paminta
  • onion leeks
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Igisa ang sibuyas, bawang at luya.
2. Maglagay ng suka at pakuluin.
3. Idagdag ang gata at hinaan ang apoy. Palaputin.
4. Idagdag ang isda
5. Timplahan ng asin at paminta.
6. Sa hiwalay na lutuan, iluto ang labong sa tubig na may asin.
7. Pag naluto ang labong, idagdag sa isda.
8. Lagyan ng siling haba at onion leeks bilang garnish.

Unang Hirit Recipe- Kalderetang Pusit

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 17, 2014: Kalderetang Pusit with Chef Liah De Castro.

Ingredients:
  • pusit bisaya
  • mantika
  • bawang
  • luya
  • tomato paste
  • liver spread
  • chicken stock
  • asin
  • paminta
  • frozen peas
  • red bell pepper
  • green bell pepper
  • patatas

Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ihalo ang ginisang luya at bawang sa mga pusit.
2. Bahagyang lutuin ang mga pusit sa loob ng isang minuto. Itabi muna sa plato.
3. sa parehong kawali, paghaluin ang tomato paste, liver spread at chicken stock. Timplahan ng asin at paminta. Pakuluin ng isang minuto.
4. Ibalik sa kawali ang mga pusit at isama ang peas, bell peppers at pritong patatas. Lutuin ng isa pang minuto.
5. Pwede rin lagyan ng siling labuyo pampaanghang.

Saturday, 15 February 2014

Unang Hirit Recipe- Pork and Shrimp Duet

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 14, 2014: Pork and Shrimp Duet with Chef Boy Logro.

Ingredients:
  • 1 kilo lomo ng pork
  • 12 pcs. Tiger prawns o sugpo
  • 300 grams fresh strawberry
  • 1 small bottle strawberry jam
  • 1/2 cup honey
  • 1/2 cup calamansi juice
  • 1/2 cup oil
  • 1 bar butter
  • 1 cup milk
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Hiwain ang lomo ng 100grams ang isa. Lagyan ito ng salt at pepper. I-set aside.
2. Lagyan ng salt at pepper ang mga sugpo. 
3. I-prito ang lomo at ang mga sugpo hanggang maluto. Ilagay sa isang plato. Lagyan ng mga strawberry at honey sa itaas.

Thursday, 13 February 2014

Unang Hirit Recipe- Misua con Mais

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Misua con Mais with Victor Basa.

Ingredients:
  • miswa
  • mais
  • luya
  • bawang
  • sibuyas
  • tomato sauce
  • pork cubes
  • tubig
  • sibuyas na mura
  • asin
  • paminta
  • mantika
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, luya at ginadgad na mais.
2. Dagdagan ito tomato sauce, pork cube, tubig, asin at paminta.
3. Pakuluan ito sa loob ng 20 minuto o hanggang sa maluto ang mais.
4. Idagdag ang misua at muling pakuluin ng dalawang minuto.
5. Lagyan ito ng onion leeks bago hanguin.

Wednesday, 12 February 2014

Unang Hirit Recipe- Blushing Pink Fresh Lumpia

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 12, 2014: Blushing Pink Fresh Lumpia with Chef Rhon James Aguilar

Ingredients:
  • Para sa filling:
  • mantika
  • sibuyas
  • bawang
  • giniling (optional)
  • dilaw o orange kamote
  • singkamas
  • carrots
  • baguio beans
  • repolyo
  • tokwa
  • pork or shrimp cube
  • vegetable stock (pinaglagaan ng kamote, singkamas, carrots)
  • peanut butter
  • toyo o oyster sauce
  • brown sugar
  • paminta
  • wansoy or kinchay leaves
  • lettuce
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Para sa pink wrapper:
  • red liquid food color
  • harina
  • itlog
  • tubig o fresh milk
  • asin
  • vegetable oil

  • Para sa peanut sauce:
  • brown sugar
  • tubig
  • oyster sauce
  • pork or shrimp cube
  • bawang
  • cornstarch
  • sesame oil
  • mani
Procedure:
1. Unahing iluto ang filling. Igisa ang giniling hanggang sa mag-brown.
2. Idagdag ang sibuyas at bawang. Gisahin ng isang minuto o hanggang sa umamoy.
3. Ibuhos ang stock, peanut butter, kamote, singkamas, baguio beans, carrots, repolyo at tokwa. Lutuin ng 3 minuto.
4. Timplahan ng oyster sauce, asukal at paminta. Lutuin ng 2 minuto. Tikman at i-adjust ang seasoning.
5. Patayin ang apoy. Idagdag ang kinchay o wansoy. Haluin at hayaang lumamig.
6. Gawin ang pink wrapper. Umpisahan sa paghalo ng itlog, gatas o tubig, asin, flour at mantika. Haluin ng maigi.
7. Gamit ang isa pang kawali, painitan (low to medium heat).
8. Lagyan ng ½ cup of lumpia batter ang kawali. I-flip para maipantay.
9. Lutuin ng 2 minuto o hanggang sa matuyo ang itaas.
10. Tanggalin ang lutong pink wrapper.
11. Ilagay ang wrapper sa isang plato. Itabi.
12. Gawin ang peanut sauce. Gamit ang maliit na kawali, magpakulo ng tubig. Idagdag ang bawang, pork o shrimp cube, brown sugar, oyster sauce at paminta.
13. Lutuin ng dalawang (2) minuto.
14. Idagdag ang diluted cornstarch. Hinaan ang apoy.
15. Lutuin hanggang sa maging malapot at makintab ang sauce.
16. Patayin ang apoy. Idagdag ang sesame oil at dinurog na mani.
17. I-assemble ang pink lumpia.
18. Ilatag ang wrapper sa flat surface.
19. Lagyan ng isa o dalawang lettuce saka dagdagan ng vegetable filling saka tupiin.
20. Lagyan ng sauce. Gumamit ng dinurog na mani at sariwang spring onions para sa garnish.

Tuesday, 11 February 2014

Kusina Master Valentines Special with Tom Rodriguez

Spend Valentines week with Tom Rodriguez on Kusina Master! Guest natin siya from Monday to Thursday, Feb. 11 to Feb. 14!

Photo credit GMA Network

Video embed only from YouTube

Monday, 10 February 2014

Idol sa Kusina Recipe- Adobo Baby Back Ribs with Ginger Rice and Mango Salsa

Ang next dishes natin for sweet lovers, siguradong magugustuhan rin ng meat lovers! Narito na ang ingredients para sa espesyal na Adobo Baby Back Ribs with Ginger Rice and Mango Salsa:

Ribs:
1 full rack, pork baby back ribs
1/2 liter water
1 1/2 cup soy sauce
1 1/2 cup vinegar
1 bulb garlic
4 pcs laurel leaf
1 tablespoon pepper corn
1/4 bar of butter
3 tablespoon sugar

Ginger rice:
  • 2 cups rice
  • 2 1/2 cup chicken stock
  • 80g ginger, sliced and pounded
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

Mango Salsa:
  • 2 pcs ripe mango, diced
  • 1 red tomato, diced
  • 1 pc red onion, diced
  • 2 pcs calamansi, diced
  • 2 tablespoon spring onions, chopped salt to taste

Link to procedure here: http://goo.gl/lLOez4

Spicy Shrimp Poppers and Duo of Baked Mussels

We need a little spice para sa isang hot hot date this Valentines, at dahil pampagana ang konting anghang, Chef Boy Logro placed Spicy Shrimp Poppers and Duo of Baked Mussels bilang appetizer. Here are the ingredients:
  • 1/2 bar Cream Cheese, room temp
  • 200g medium shrimp, deveined
  • 1 cup of flour (seasoned with salt and pepper)
  • 1 egg
  • 1 lemon, zested
  • 1 cup of Panko bread crumbs
  • oil for deep frying
  • 1/4 bar butter
  • 1/4 cup hot sauce
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

For the procedure, click here: http://goo.gl/gHmMMl

Unang Hirit Recipe- Banana Heart Steak

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 10, 2014: Banana Heart Steak with Chef Echo Pascual.

Ingredients:
  • puso ng saging
  • harina
  • itlog
  • bawang
  • sibuyas
  • asin
  • paminta
  • mantika
  • gravy/ steak sauce
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Balatan ang puso ng saging hanggang ang matira na lang ang pinakamaputing bahagi.
2. Tadtarin sa maliliit na piraso at pakuluan nang ilang minuto para matanggal ang dagta nito. Palamigin.
3. Sa isang mixing bowl, paghaluin ang harina, itlog, bawang, sibuyas, asin, paminta at iba pang pampalasa.
4. Gumawa ng mga patty gamit ang pinakuluang puso ng saging at ang flour mixture.
5. Prituhin ang banana heart patties hanggang sa maging golden brown.
6. Gumawa ng steak sauce o gravy na maaaring isama sa burger patties.

Saturday, 8 February 2014

Unang Hirit Recipe- Odong

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day: Odong with Chef Patricia Azada.

Ingredients:
  • spicy sardines 
  • sibuyas
  • bawang
  • kamatis
  • mantika
  • odong
  • patola
  • asin
  • pamintang durog
  • brown sugar
  • spring onion
  • kalamansi
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ilagay ang sardinas sa ginisang sibuyas, bawang at kamatis.
2. Lagyan ng tubig at ilagay ang odong at patola.
3. Lagyan ng asin, paminta at konting asukal.
4. Ilagay ang hiniwang spring onion.
5. Pigaan ng kalamansi.

Thursday, 6 February 2014

Unang Hirit Recipe- Pansit Papaya

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Pansit Papaya with Chef Dang Arias

Ingredients:
  • green papaya
  • asin
  • mantika
  • bawang 
  • sibuyas
  • karneng baboy 
  • hipon 
  • squid balls 
  • chicharo
  • carrots 
  • repolyo 
  • papaya
  • toyo
  • kalamansi
  • oyster sauce 
  • itlog 
  • mani 
  • wansoy 

Procedure:
1. Ibudbod ang asin sa papaya para mabawasan ang tubig nito.
2. Igisa ang bawang at sibuyas.
3. Isunod ang karneng baboy, hanggang maging golden brown ito. 
4. Ilagay ang hipon at squid balls.
5. Isunod ang chicharo, carrots, repolyo at papaya.
6. Timplahan ng toyo, kalamansi at oyster sauce.
7. I-garnish ng itlog, mani at wansoy.

Wednesday, 5 February 2014

Unang Hirit Recipe- Pinais na Alimasag

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Pinais na Alimasag with Chef Hazel Santiago.

Ingredients:
  • alimasag
  • buko
  • bawang
  • luya
  • sibuyas
  • siling panigang
  • red bell pepper
  • gata ng niyog
  • dahon ng saging
  • mantika
  • patis
  • asin
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Ilaga ang mga alimasag, palamigin at himayin.
2. Igisa ang bawang at sibuyas sa loob ng isang minuto. Idagdag ang siling panigang, red bell pepper at kinayod na laman ng buko. At muling pakuluin sa loob ng isang minuto.
3. Ibuhos ang gata ng niyog at muling pakuluin hanggang sa maging malapot ang gata.
4. Idagdag ang hinimay na laman ng alimasag.
5. Timplahan ng asin at paminta.
6. Pag luto na ang crab mixture, hanguin ito at muling ipalaman sa shell.
7. Balutin mabuti ang bawat shell sa dahon ng saging.
8. Ihawin ito sa loob ng dalawang minuto.

Tuesday, 4 February 2014

Idol sa Kusina Recipe- Bacon Wrapped Chicken Relleno

Itong next recipe ay hindi lang like; love natin itong lahat kasi everybody loves bacon! Narito na ulit ang Bacon Wrapped Chicken Relleno! 

Ingredients:
1 whole deboned chicken
500 grms. minced chicken breasts
25 grms. raisins
25 grms. peanuts
6 pcs. hard-boiled quail eggs
230 ml. all-purpose cream
blanched carrot strips
500 grms. beaten eggs
1 tspn. salt
100 grms. all-purpose flour
50 grms. white onion brunoise
1 tspn. salt and pepper
2 pcs. big apples
1 tspn. paprika

For the full procedure, click here: http://goo.gl/dCTvjf
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

Idol sa Kusina Recipe- Steamed Tilapia in Pandan Leaves

Meron pang isang dish na Facebook blockbuster din para sa marami nating mga Kapuso, at iyon ay ang Steamed Tilapia in Pandan Leaves! Narito uli ang ingredients:
  • 1 kg. Tilapia Fillet
  • 100 g. Ginger julienne
  • 50 g. Garlic thinly slices
  • 100 g. Red onion slices
  • 30 g. Green chili julienne
  • 100 g. Tomatoes round slices
  • 50 g. Lemon grass, white part only, chopped
  • ¼ cup Lime juice
  • ¼ cup oil
  • 24 inches Pandan leaves
  • 1 tbsp. Salt
  • 1 tsp. Crushed black peppercorn
For the procedure, click here: http://goo.gl/9nxDVY
Photo and recipe credit: Idol sa Kusina

Unang Hirit Recipe- Ampalaya con Manok

Unang Hirit #KitchenHirit of the day: Ampalaya con Manok with Chef Jerwyn Rabo.

Ingredients:
  • ampalaya
  • chicken breast
  • kamatis
  • itlog
  • sibuyas
  • bawang
  • patis
  • asin
  • paminta
  • canola/vegetable oil

Procedure:
1. Hatiin ang ampalaya. Tanggalin ang mga buto sa loob nito at hiwain ng maliliit na cubes.
2. Upang mabawasan ang pait ng ampalaya, ibabad ito sa tubig na may halong asin sa loob ng 30 minuto (1tbsp salt sa 2 cups ng tubig). Kapag tapos na ay tanggalin ang tubig at hugasan muli ang ampalaya.
3. Gumamit ng kawali. Lagyan ng mantika at igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Sabay ilagay ang chicken breast, patis at ampalaya. Hayaan maluto ng 2-3 minutes.
4.bago maluto ang lahat, ihalo ang itlog at timplahan ito ng asin at paminta.
5. I-hain nang mainit.

Monday, 3 February 2014

Idol sa Kusina Recipe- Stuffed Alimango Asado

Heto na ulit ang isa sa mga paborito ninyong recipe ng Idol sa Kusina: ang Stuffed Alimango Asado! Narito ang ingredients:
  • 3-4pcs. Alimango shell, cleaned 
  • 300g crab meat
  • 2pcs Chorizo bilbao, small dice
  • 2 tablespoon spring onion, chopped
  • 1/2 carrot, small dice
  • 1 egg, beaten
  • Oil for Deep Frying
  • 1 cup flour
  • 100g Leeks white part only chopped
  • 30g Garlic and Ginger puree
  • 1pc. Tomato chopped
  • 1 tbsp. Chicken powder, powder seasoning
  • 1 cup Chicken stock
  • 30g Cornstarch dissolved
  • 25g Spring onion chopped
  • 1 jigger Chinese Wine
  • 1 tsp. Sesame oil
  • 1 tsp. Salt
  • 1 tsp. Pepper
  • 50g Sotanghon

For the procedure, click here: http://goo.gl/uG0JQP

Unang Hirit Recipe- Menudo con Tsokolate

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day- February 3, 2014: Menudo con Tsokolate with Chef Cris Esguerra.

Ingredients:
  • siling haba
  • kamatis
  • mantika
  • sibuyas
  • bawang
  • cocoa powder
  • pamintang buo
  • laurel
  • manok
  • pork belly
  • chicken broth
  • gata
  • pata
  • chorizo de bilbao
  • patatas
  • wansuy
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Pakuluan sa chicken stock, pamintang buo, laurel at bawang ang pata at liempo hanggang lumambot. Hiwain ng katamtamang laki pag bahagyang lumamig. Isantabi ang pinagpakuluan o ang 'caldo'.
2. Igisa sa lard or mantika ang chorizo de bilbao. Hintaying mamula ang mantika bago ilagay ang sibuyas at hiniwang pata at liempo.
3. Ibudbod ang cocoa powder bago ibuhos ang canned tomatoes, 'caldo', garbanzos at mga sili. Pakuluan saglit.
4. Ihain sa individual bowls at lagyan ng pritong patatas at wansuy bago i-serve.

Saturday, 1 February 2014

Unang Hirit Recipe- Adobo-style Chao Fan

Here's Unang Hirit Kitchen Hirit of the day: Adobo-style Chao Fan with Chef Jonathan Mirandilla.

Ingredients:
  • manok
  • asin
  • paminta
  • mantika
  • bawang
  • sibuyas
  • toyo
  • suka
  • tubig
  • dahon ng laurel
  • kanin
  • carrots
  • green peas
  • red & green bell pepper
  • luya
  • cornstarch

Procedure:
1. Timplahan ang mga hiniwang manok ng asin at paminta.
2. Sa isang kawali. Maggisa ng sibuyas at bawang.
3. Idagdag ang tinimplahang manok at prituhin ito hanggang sa maging golden brown.
4. Dagdagan ito ng toyo, suka, tubig at dahon ng laurel.
5. Hayaang maluto ang manok at gumawa ng gravy.
6. Sa isang kawali, isangag ang kanin kasama ang hiniwang carrots at green peas.
7. Idagdag ang sabaw ng nilutong adobo at mga hinimay na adobong manok.
8. Isama ang bell pepper at prinitong itlog.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes