Thursday, 28 August 2014

Unang Hirit Recipe- Sinigang na Isda sa Kamias at Miso

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Sinigang na Isda sa Kamias at Miso with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • isdang imelda
  • kamias
  • miso
  • luya
  • sitaw
  • talong
  • labanos
  • kangkong
  • siling panigang
  • sibuyas
  • bawang
  • patis
  • mantika
  • tubig
Photo and recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Igisa ang sibuyas, bawang, luya at kamatis
2. Lagyan ng miso at tubig; pakuluin
3. Idagdag ang talong, sitaw, labanos at kamias.
4. Kapag luto na ang mga gulay, ilagay ang isda, kangkong at siling panigang.
5. Timplahan ng patis; pakuluin hanggang sa maluto ang isda.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1C0yDZM

Saturday, 23 August 2014

Unang Hirit Recipe- Cebu Pochero

Unang Hirit #KitchenHirit Recipe: Cebu Pochero  with Chef Harlequin Boloron

Ingredients:
  • beef sirloin or pork
  • oil
  • sibuyas
  • patis o asin
  • ground black pepper
  • red bell pepper
  • sweet corn
  • tubig
  • pechay
  • patatas
  • taro o gabi

Procedure:
1. Maggisa ng sibuyas at bell pepper.
2. Ilagay ang karne; dagdagan tubig, at timplahan ng patis at paminta.
3. Pakuluan hanggang lumambot ang karne.
4. Idagdag ang patatas at sweet corn.
5. Isama ang pechay bago patayin ang kalan.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1twu7Mx

Saturday, 16 August 2014

Unang Hirit Recipe- Sweet and Sour Tilapia

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Sweet and Sour Tilapia with Chef Boy Logro.

Ingredients:
  • tilapia
  • ketchup
  • pineapple juice
  • suka
  • brown sugar
  • bawang
  • sibuyas
  • green & red bell pepper
  • carrot
  • sibuyas na 
  • mura
  • corn starch
  • mantika
  • asin
  • paminta
Photo and Recipe credit: Unang Hirit

Procedure:
1. Timplahan ang tilapia ng asin at paminta; pagulungin sa corn starch.
2. Prituhin ang tilapia at itabi.
3. Igisa ang bawang, sibuyas, bell pepper at carrots; lagyan ng pineapple juice at pakuluin
4. Kapag kumulo na, idagdag ang c.atsup, asukal at suka.
5. Idagdag ang slurry o cornstarch na tinunaw sa tubig.
6. Ilagay ang tilapia sa plato; idagdag ang sauce at sibuyas na mura.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1Bib7qC

Tuesday, 5 August 2014

Unang Hirit Recipe- Buto-buto con Misua

Photo and recipe credit: Unang Hirit

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Buto-buto con Misua with Chef Dino Ferrari.

Ingredients:
  • buto-buto ng baboy
  • misua
  • patola
  • carrots
  • repolyo
  • itlog
  • sibuyas
  • bawang
  • patis
  • sibuyas na mura

Procedure:
1. Pakuluan ang buto-buto ng baboy.
2. Sa hiwalay na kaserola, maggisa ng sibuyas at bawang.
3. Ilagay ang buto-buto kasama ang sabaw; pakuluan ng 5 minuto.
4. Idagdag ang patola, carrots, repolyo, at misua.
5. Timplahan ng patis.
6. Ilagay ang sibuyas na mura.

Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1s2gpQV

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes